^

PSN Opinyon

P17-B MRT-3 rehab bakit doble ng sa Sumitomo?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

IPALIWANAG sana ng Department of Transportation: Bakit ito umuutang sa Japan ng P17 bilyon para sa rehabilitasyon ng MRT-3? E paulit-ulit nag-aalok ang higanteng Japanese na Sumitomo Corp. na gagawin ang trabaho sa halagang P7.5 bil­yon lang -- o halos P10 bilyon mas mura.

Karapatan ng mamamayan masagot. Sila ang magbabayad ng 25-taong utang, miski taga-North at South Luzon, Visayas, o Mindanao sila na hindi sumasakay sa commuter railway. Ma­laon nang ginagatasan ng tiwaling transport officials ang MRT-3. Limang taon, 2012-2017, binigyan ng bilyon-bilyong piso ang tatlong palsong taga-maintenance nito.

Ibinida ng DOTr ang inuutang na ¥38.48 bilyon, o P17 bilyon, sa press release. Mula ito sa Japan International Cooperation Agency. Aabot sa 31 buwan ang rehab, sabay maintenance na, dagdag ang 12 buwang defect liability period, kaya kabuoang 43 buwan. Walang breakdown ng P17 bilyon sa scope of work: trains, power supply, overhead catenary, signaling, tracks, radio­ communication, CCTVs, PABX public address, road-rail vehicles, elevators, escalators, at depot at station equipment.

Ilang beses sinabi ng JICA at DOTr na sa Sumitomo ipata-trabaho ito. Kasi ito rin ang nagtayo ng MRT-3 nu’ng 1998-1999, at nagmentena nu’ng 2000-2012, para sa pribadong Metro Rail Transit Corp. (MRTC). Kabisado nito ang MRT-3.

Pero ang alok ng Sumitomo noon pa ay $150 milyon, o P7.5 bilyon lang. Ilang ulit ipinaabot ito ng MRTC sa DOTr at Malacañang nu’ng 2016-2017. Pareho ang scope of work: rehab at maintenance ng tren, riles, power supply, catenary, signaling, istas­yon, kasama ang elevators at escalators, security cameras, radio-comm, public address, at depot equipment, kasama ang pang-tow na road-rail vehicles. Tapos daw ito sa 26 na buwan; hindi na binilang dahil standard ang 12 buwang warranty.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

MRT-3

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with