^

Bansa

LLDA: Taguig LGU walang kinalaman sa Laguna Lake projects

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma nitong Lunes ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) na walang kinalaman ang lokal na pamahalaan ng Taguig sa mga isyung bumabalot sa mga umano'y kwestiyonableng proyekto sa Laguna de Bay sa baybayin ng Taguig.

Sa pagtatanong ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa LLDA sa pagdinig sa panukalang budget ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong October 19, lumabas na responsibilidad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – at hindi ng Taguig – na kumuha ng permit para sa mga reclamation sa lugar dahil proyekto ang mga iyon ng DPWH.

“Ninety nine percent ng projects doon, sino ang proponent?" tanong ni Cayetano.

"DPWH, sir," diretsong tugon ni Atty. Marian Soriano ng LLDA.

Nang tanungin ng senador kung sino ang hindi kumuha ng permit, muling tugon ni Soriano: “DPWH”.

Paliwanag ni Cayetano, ang Taguig lang ang nagpapatakbo ng pampublikong parke sa ibabaw ng reclaimed land, na pinakikinabangan ng milyun-milyong Pilipino, pero DPWH ang nagtayo sa lupang kanatitirikan nito.

“Walang kinalaman ang Taguig. Dalawang departamento kayong nagbabanggaan (LLDA at DPWH), pero sa media, ang pinapalabas niyong ang may problema, ang city," pahayag ng senador.

“The city runs it (park), [but] it's the DPWH that built it (reclaimed land)," dagdag ni Cayetano.

Ayon pa sa LLDA, sila ang may “exclusive jurisdiction” sa lahat ng proyekto sa Laguna Lake at hindi ang Philippine Reclamation Authority (PRA) na pilit humihingi ng permit mula sa Taguig LGU.

"We firmly assert the LLDA's jurisdiction over all developmental activities in the region," dagdag ni Soriano.

Binanggit ni Cayetano ang 1995 Department of Justice (DOJ) opinion na nagsasabing

LLDA nga ang may kapangyarihan sa lawa, at ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) opinion na pabor naman sa PRA.

Nang tanungin ng senador kung alin ang dapat mangibabaw alinsunod sa batas, sinabi ni Soriano: “Sir the DOJ.”

LLDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with