DFA: Walang Pinoy na nasaktan sa gulo sa Paris

MANILA, Philippines — Walang Pilipinong nasangkot o nasaktan sa patuloy na kilos protesta sa France at Italy.
Ito ang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na base sa pinakahuling ulat mula sa Philippine Embassy sa Paris at sa Philippine Consulate General sa Milan.
Nagkakaroon ng kaguluhan sa pagitan ng pulis at mga nagpo protesta , mass looting at mga sunog dahil sa mga demonstrasyon na nag- ugat dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin at pamumuhay.
Ang kaguluhan ay nagmula matapos na magprotesta ang mga estudyante at anim na buwan bago ang eleksyon at pagpapalit kay President Emmanuel Macron.
Tinataya naman nasa 1,200 katao ang naaresto at 150 ang pulis na nasugatan.
Nauna na rin sinabi ni Sen. Erwin Tulfo, vice chairman ng Senate Foreign Relations Committee na dapat mag-ingat ang mga filipino workers sa gulo sa pagitan ng mga demonstrador at mga otoridad sa France, partikular na sa Paris.
- Latest
























