American actress Gwyneth Paltrow, nagluto ng talong

Wow, nagluto na naman ang American actress Gwyneth Paltrow ng pagkaing Pinoy.
At ang niluto niya this time, torta. “Tortang Talong with garlicky turkey crumbles and banana ketchup. A Filipino breakfast classic #boyfriendbreakfast,” caption ni Gwyneth habang ipinapakita sa kanyang reel ang paghahanda sa kanyang niluto.
Kaya naman nagpasalamat sa kanya si Erwan Heussaff, mister ni Anne Curtis, na pinu-push ang local food sa pamamagitan ng kanyang mga vlog. “Thank you for not calling it an Eggplant Omelette,” sabi nito sa comment sa post ni Gwyneth.
Nauna na siyang nagluto ng pork tocino na pinaresan niya ng lower-carb cauliflower rice and sunny-side-up eggs na ikinatuwa rin ng mga Pinoy na active sa social media.
- Latest




















