^

Probinsiya

Libong residente sa Nueva Ecija nakinabang sa P20 bigas­

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

LAUR, Nueva Ecija, Philippines — Mahigit sa 1,000 kwalipikadong residente ng bayang ito ang nakinabang sa “Benteng Bigas, Meron Na!” program ng national government, kung saan may access ang mamamayan sa ?20 kada kilo ng bigas at pagtulong sa pagpapagaan ng mga gastusin sa pagkain.

Ang programa na ipinatupad sa pamamagitan ng Department of Agriculture ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng administrasyong Marcos na palakasin ang seguridad sa pagkain at gawing mas abot-kaya ang mga mahahalagang bilihin at naa-access ng ‘vulne­rable sector’ ng bansa.

Kabilang sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa Laur ay ang mga senior citizen, persons with disabilities, solo parents, Pantawid Pamilyang Pilipino Program beneficiaries, minimum wage earners, rehistradong magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, mga ­manggagawa sa pampublikong sasakyan tulad ng mga driver at operator, at mga guro sa pampublikong paaralan at non-teaching personnel.

Binigyang-diin ni Laur Mayor Benjie Padilla ang pangako ng lokal na pamahalaan na palawa­kin ang abot ng programa sa buong bayan, upang mas maraming residente ang makikinabang sa tulong ng pambansang pamahalaan.

DA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with