PNP, ipagbabawal sa mararahas na palabras

Proteksiyon ng kabataan
MANILA, Philippines — Ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) na ikinokonsidera nila ang pagrerekomenda ng pagbabawal sa pagpapalabas ng mararahas na pelikula at programa sa telebisyon bilang bahagi ng mga hakbang upang mabawasan ang krimeng kinasasangkutan ng mga menor-de-edad.
Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nakababahala na ang halos sunud-sunod na insidente ng karahasan kung saan sangkot ang mga kabataan kung saan pinakahuli ang insidente sa Las Piñas National High School noong Hulyo 31.
Sinaksak ng isang 14-anyos na estudyante sa kanyang kaklase dahil umano’y sa pambu-bully.
Ayon kay Nartatez, hindi lamang sa mga paaralan nagaganap ang mga insidenteng kinasasangkutan ng kabataan, kundi naaapektuhan din ang mga ito ng kanilang kapaligiran, pamilya, komunidad, at social media.
- Latest


















