10-anyos ni-rape, kelot tiklo

MANILA, Philippines — Arestado ang 53-anyos na lalaki na umatake ng panggagahasa sa isang 10-anyos na naiwang mag-isa sa kanilang bahay sa Parañaque City, Linggo ng hapon.
Sa ulat ni Parañaque City Police Station Chief, P/Colonel Nicolas Pinon, ang suspek na si alyas “Maning” residente ng lugar, na dinakip ng kanyang mga tauhan sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng Barangay Marcelo green, sa reklamong inihain ng ina ng biktima.
Sa imbestigasyon, mag-isa lang ang menor-de-edad sa kanilang bahay at nang umuwi ang ina ay nasilip niya sa pagitan ng pinto ang ginawang pananakit sa anak, kaya agad niyang kinompronta ang suspek.
Umalis ang suspek at agad namang nagsumbong ang ina ng biktima sa mga barangay tanod, at mabilis na rumesponde rin ang Marcelo Green Police Sub-station, kaya agad na naaresto ang suspek.
Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 11648 (Statutory Rape) na pinoproseso na sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Parañaque CPS.
- Latest





















