^

Punto Mo

Hindi hadlang ang edad sa pag-abot ng pangarap

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NARITO ang ilan pang mga taong nakamit ang malaking? tagumpay sa kanilang senior years, na nagpapatunay na walang edad ang pag-abot sa mga pangarap:

  • Anna Mary Robertson ‘Grandma’ Moses - Nagsikulang seryosong magpinta sa edad na 78 at naging isa sa pinakatanyag na folk artists sa Amerika.
  • Harland David Sanders (Colonel Sanders) - Itinatag ang KFC sa edad na 65 matapos ang maraming kabiguan sa negosyo.
  • Laura Ingalls Wilder - Inilathala ang unang aklat sa seryeng Little House sa edad na 65.
  • Nola Ochs - Nagtapos ng kolehiyo sa edad na 95, na naging inspirasyon sa buong mundo.
  • Fauja Singh - Nagsimulang tumakbo ng marathon sa edad na 89 at nakilala bilang isa sa pinakamatandang marathon runners.
  • Diana Nyad - Sa edad na 64, matagumpay niyang nalangoy ang ruta mula Cuba hanggang Florida nang walang shark cage.
  • Frank McCourt - Nanalo ng Pulitzer Prize para sa Angela’s Ashes sa edad na 66.
  • John B. Goodenough - Ginawaran ng Nobel Prize sa Chemistry sa edad na 97 dahil sa kanyang mahalagang ambag sa pagbuo ng lithium-ion batteries.
  • Peter Mark Roget - Inilathala ang tanyag na Roget’s Thesaurus sa edad na 73.
  • Nelson Mandela - Naging Pangulo ng South Africa sa edad na 75, matapos ang 27 taong pagkakabilanggo.

Aral: Ang mga kuwentong ito ay nagpapakita na ang edad ay hindi hadlang sa tagumpay. Sa sipag, tiyaga, at patuloy na pagkatuto, posible pa ring maabot ang mga pangarap kahit sa senior years.

EDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with