Inflation, bumagal nitong Hunyo

MANILA, Philippines — Bumagal ang inflation o paggalaw ng presyo ng mga bilihin sa bansa nitong Hunyo 2026.
Ayon kay Philippine Statistics Authority chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, nasa 6.4% ang inflation noong Hunyo, mas mabagal sa 6.8% noong Mayo 2026. Bumagal ang inflation dahil bumaba na ang presyo ng produktong petrolyo bunsod ng paghupa ng giyera sa Middle East.
Bumaba ang month-on-month Transport index mula sa 16.2% noong Mayo. Ang pagbagal ng Transport index ay pangunahing dulot ng paghupa ng pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel. Bumaba ang inflation ng gasolina sa 39.2% mula sa 51.6%, habang ang diesel ay bumagal sa 39.0% mula sa 58.5%.
Nakaambag din ang mabagal na Food and Non-Alcoholic Beverages index sa 5.2% kumpara sa 5.7% habang ang presyo ng karne, cereals, at isda ay bumaba rin.
- Latest























