DIY tips sa balik-eskwela

MANILA, Philippines — Opisyal nang nagsimula ang bagong school year kaya balik na naman ang sunod-sunod na klase, class projects, at iba’t ibang campus activities.
Para sa mga magulang at estudyante, ang balik-eskwela ay nangangahulugan din ng mga biglaang sira at kailangang ayusin, mula sa natanggal na swelas ng sapatos hanggang sa mga school projects.
Kung kailangan mong mag-ayos ng mga gamit o gumawa ng mga do-it-yourself (DIY) projects, maaasahan ang Rugby Original ng Bostik Philippines, ang pinakapinagkakatiwalaang contact cement brand sa bansa. "Sa bawat pagsisimula ng school year, may mga biglaan at agarang kailangang ayusin ang mga magulang. Ang Bostik Rugby® ay isang ligtas at epektibong bonding agent na madaling gamitin sa mga pang-araw-araw na DIY projects, kaya nakakasiguro kang tatagal ang mga school essentials sa buong abalang school year," sabi ni Bostik Marketing Director Fides Kasman.
Ang Rugby Original, ang kauna-unahang Philippine-made synthetic rubber contact cement, ay nagbibigay ng matibay at waterproof na kapit sa iba't ibang materyales tulad ng goma, authentic at synthetic leather, canvas, foam, kahoy, tiles, salamin, at metal.
Ligtas din itong gamitin dahil 100% itong walang toluene, isang industrial solvent na kilalang may nakalalasing na epekto kapag inabuso bilang inhalant.
Inalis ng Bostik ang toluene sa produkto nito noong 2012 upang unahin ang kaligtasan ng mga tahanan nang hindi isinasakripisyo ang tibay na kilala sa Rugby Original.
Siguraduhing Rugby Original lamang mula sa mga awtorisadong hardware stores at retailers ang bibilhin. Marami nang pekeng bersyon at iba pang produktong maling gumagamit ng pangalang Rugby Original, lalo na ang mga kahawig ng Rugby 20ml sachet, na mabibili sa mga pisikal na tindahan at online marketplaces.
Kung makakita ka ng produktong posibleng peke, maaari itong i-report sa Bostik Philippines hotline na (02) 7900-5656 o sa email na [email protected].
- Latest
















