^

PM Sports

King James kampeon sa Gran Copa stakes race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinakita ng King James ang tikas nito sa karerahan matapos angkinin ang korona sa 2026 PHILRACOM “Gran Copa Division I stakes race noong Linggo ng hapon sa Metro Turf, Malvar Tanauan City, Batangas.

Mabilis na lumundag papalabas ng aparato ang Worshipful Master at Parade King upang magtagisan ng bilis sa unahan, tersero ang Wolfthreefivenine habang nasa pang-apat ang King James.

Naging mabilis ang karera dahil sa mahigpit na lutsahan sa unahan ng Worshipful Master at Parade King, iniwanan nila ang nagbabanatan naman sa pangatlo na Wolfthreefivenine at King James ng may anim na kabayong agwat sa kalagitnaan ng labanan.

Subalit pagdating ng far turn ay halos magka­panabayan na sa unahan ang Worshipful Master, Parade King, King James at Wolfthreefivenine.

Papalapit ng huling kurbada ay inagaw na ng King James ang bandera dumaan naman sa bandang labas ang rumeremateng Wolfthreefivenine sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Nabanggit ng race caller ang La Trouppei na humahangos pero hindi na rin nakayanan kaya tinawid ng King James ang meta ng may tatlong kabayo ang agwat sa pumangalawang Wolfthreefivenine. 

Ginabayan ni jockey Lester De Jesus, nire­histro ng King James ang ti­yempong 1:41.6 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Horse Owner of the Year awardee James Anthony Rabano ang P600,000 premyo.

 

PHILRACOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with