Gilas: Maninilat?
Dehado pero umaasa pa rin si Gilas Pilipinas coach Tim Cone na makasilat sa kanilang biyahe sa Auckland, New Zealand at sa Perth, Australia.
Sana nga ma-upset nila ang New Zealand sa kanilang laro sa Biyernes o ang Australia sa kasunod na laban sa Lunes.
Otherwise, pawang must-win ang laro ng Gilas Pilipinas sa Round 2 ng FIBA Asia World Cup qualifiers.
Makakasama ng Australia, New Zealand at Philippines ang Jordan, Iran at Syria o Iraq sa susunod na round. At gaya ng sa initial round, haharapin ng Gilas ang Jordan, Iran at Syria o Iraq sa home-and-away series.
Mula sa grupong ito, ang best three eh automatic na papasok sa World Cup. Ang No. 4 eh aasang mas maganda ang kanilang kartada kontra No. 4 sa kabilang grupo upang maka-singit sa World Cup bilang Asia’s No. 7 team.
Mahalaga ang bawat laro dahil ang first-round results ay dala dala ng mga koponan sa second round – carry-over rule.
Bahagyang talo ang Gilas sa New Zealand, 69-66, at bugbog sa Australia, 93-66, sa previous window na inilaro sa MOA Arena. Lulubog sa 2-4 (win-loss) ang Gilas kung hindi makakabawi sa kanilang “away” games.
Dahil may sariling hangarin si Kai Sotto (NBA dream), patuloy na hindi siya kasama sa kampanya ng Gilas. At dahil sa injury, wala rin si Quentin Millora-Brown.
Kaya’t malaki ang kabawasan ng Gilas ceiling na susubukan punuan nina Justine Baltazar at Mike Philips.
Walang dudang kailangan may mag-step up at tumulong kay Justin Brownlee sa pagbuhat ng load.
Consistent ang solid contributions nina AJ Edu, Dwight Ramos at Scottie Thompson. Sana lumutang din sina Carl Tamayo, Kevin Quiambao, Chris Newsome at RJ Abarrientos.
Seize the moment, guys!
- Latest


















