Health worker, 3 minor na anak minasaker!

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang health worker at tatlo nitong menor-de-edad na anak matapos na pagtatagain at pagsasaksakin ng hindi pa nakilalang salarin sa naganap na masaker sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Lipatan, Josefina, Zamboanga del Sur, kahapon.
Kinilala ng pulisya ang mag-iinang biktima ay kinilalang sina Arlene Dumalte, 42-anyos, health worker sa nasabing barangay; mga anak na babae na sina Nashyl, 16-anyos; at lalaking anak na si En-en, 14, at Arnel, 11 taong gulang.
Batay sa ulat ni P/Lt. Julito Pamalaran, hepe ng Josefina Municipal Police Station (MPS), dakong alas-6:45 ng umaga nitong Lunes ng madiskubre ang mga bangkay ng mga biktima.
Ayon kay Pamalaran, kasalukuyang naglalakad si Alejo Indangan, konsehal sa nasabing barangay nang makita niya ang nakalawit sa dingding na kamay ng ginang na duguan. Agad na humingi ng tulong ang barangay official sa mga kapitbahay at agad nilang pinasok ang bahay ng mag-iina at nadiskubre ang mga biktima na duguang nakahandusay sa sahig.
Agad na inireport ni Indangan sa mga awtoridad ang insidente at mabilis na nagresponde ang mga pulis sa lugar.
Nadatnan ng mga pulis sa tahanan ng pamilya Dumalte ang duguang bangkay ng mag-iina na pawang tadtad ng mga taga at saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Pinaniniwalaan na pinasok ang mag-iina at isinagawa ang krimen kamakalawa ng gabi dahil ang magkakapatid ay nakita pang naglalakad pauwi sa kanilang tahanan mula sa isang public wifi station sa kanilang barangay dakong alas-8 ng gabi.
- Latest

















