^

Probinsiya

Ex-Kagawad itinumba sa harap ng bahay

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

HERMOSA, Bataan, Philippines — Patay ang isang dating­ barangay kagawad matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa labas ng kanyang tahanan sa Barangay Culis, Hermosa, Bataan nitong Biyernes ng umaga, Hunyo 26.

Batay sa paunang impormasyon, sakay umano ng isang van ang suspek nang dumating sa lugar bago pinagbabaril ang biktimang nakilalang si Norman Dalit sa harap mismo ng kanyang bahay.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang salarin.

Kinumpirma ni Bataan Police Provincial Director Col. Marites Salvadora ang insidente at sinabi nitong nagsasagawa na ng masu­sing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang motibo sa pagpatay, makilala ang suspek, at maberipika ang lahat ng pangyayari na may kaugnayan sa krimen.

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with