^

PSN Palaro

Dominican Republic sinisiw ng USA

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Dominican Republic sinisiw ng USA
Hinatawan ni Jordan Thompson ng USA si J. Martinez ng Dominican Republic sa ginaganap na VNL Week 2 sa PhilSports Arena.
PSC photo

MANILA, Philippines — Mabilis na ginupo ng USA ang naghihingalo at wala pang panalong Dominican Republic, 25-20, 25-19, 25-12, sa Volleyball Nations League (VNL) women’s week 2 na nilaro sa Philsports Arena sa Pasig City kahapon.

Ipinagpatuloy ng mga Kana ang kanilang pamamayagpag dito sa Pilipinas ng paluin nila ang pa­ngatlong sunod na panalo at ilista ang 4-1 record sa VNL.

Pinamunuan ni Jordan Thompson ang iskoran para sa USA, kumana ito ng 15 points mula sa 13 kills at dalawang service aces para tapusin ang Dominican Republic sa loob lamang ng 80 minuto.

Sinindihan ni skipper at setter Jordyn Poulter ang atake ng American netters upang tulungan ang USA na iposte ang 43-31 bentahe sa attack points sa simula ng VNL na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman Patrick “Pato” Gregorio.

Kumana rin si Logan Eggleston ng 10 points lahat galing sa attacks, bumakas si Dana Rettke ng limang puntos para sa USA.

Nagtala lamang ng tig- dalawang service aces ang bawat teams, bagama’t lamang ang Dominican Republic sa statistical sa reception, 69-46 at sets 104-94, nakontrol pa rin ng mga Amerikano ang laban.

Para kay Thompson may ilalabas pa ang kanilang koponan sa laro, natutuwa ito dahil mabilis mag adjust sa laban ang kanyang mga kakampi.

“Practicing, training and just trying to gel together as a group, since it was a new roster,” ani Thompson. “It wasn’t always pretty, but I think what we do really well is finding ways to grit through it, even when it’s not exactly how we want it,”

Samantala, tinalo na­man ng Canada ang Netherlands, 20-25, 25-19, 25-17, 25-20.

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with