^

Bansa

Ester lalabas na rin ng PAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napanatili ng bagyong Ester ang kanyang lakas habang nasa bahagi ng Batanes.

Alas-11 ng umaga, si Ester ay huling namataan ng Pagasa sa layong 230 kilometro hilaga hila­gang kanluran ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hangin na 45 kph at pagbugso na 55 kph.

Nakataas ang signal number 1 ng bagyo sa Batanes.

Ayon sa Pagasa, ang malalakas na ulan at bugso ng hangin ay patuloy na mararamdaman sa mga lokalidad sa labas ng landfall point at sa forecast confidence cone.

Inaasahang kikilos si Ester pahilagang kanluran habang papunta ng Taiwan at inaaasa­hang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Sabado ng umaga, June 6 at saka tatahak papuntang ­southern Japan.

Mananatili ang lakas ni Ester habang ito ay papunta sa direksyon ng Taiwan at maaabot ang tropical storm category oras na makarating sa may East China Sea.

Pinapayuhan ng ­Pagasa ang mga residenteng nakatira sa hilagang kanluran na mag-ingat sa malalakas na ulan at hangin dulot ng bagyo.

ESTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with