Ebidensya hindi 2028 elections dapat basehan ng impeachment
MANILA, Philippines — Dapat umanong desisyunan base sa ebidensya at hindi pulitika ang pananagutan sa batas ang proseso ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang inihayag ni Tingog Partylist Rep. Jude Acidre, Chairman ng House Committee on Higher and Technical Education at miyembro ng Justice panel na dumidinig sa impeachment laban kay VP Sara kaugnay ng umano’y pag-aalinlangan ng mga Kongresista na bumoto o tutulan na ang impeachment.
Sa darating na Miyerkules, Abril 22 ay magpapatuloy ang impeachment laban kay VP Duterte kung saan idedetermina ang ‘probable cause’.
Ayon kay Acidre dapat timbangin ng mga mambabatas ang bigat ng pananagutan sa batas base sa ebidensya laban kay VP Sara at hindi sa konsiderasyon sa pulitika dahilan tatakbo ito sa presidential elections na maagang idineklara ang kaniyang kandidatura.
“Puwedeng mayroong takot, mayroong pangamba. Normal ‘yun kasi pulitika ‘to. Pero dapat ang tanong na hindi dapat iniiwasan, dapat ba ma-impeach ang Bise Presidente o hindi?” ani Acidre dahilan sa pag-aalinlangan umano ng mga mambabatas kung paano sila boboto sa impeachment laban kay VP Sara bago ito maipadala ng Kamara sa Senado para sa ‘full trial’.
“May nagawa ba? Should we hold her accountable for something?” punto ni Acidre na sinabi pang dapat magdesisyon ang mga Kongresista base sa bigat ng mga ebidensya sa impeachment case.
- Latest















