^

Bansa

Teves, pinayagang makapagpiyansa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayagan ng korte na makapagpiyansa si dating Negros Oriental representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. kaugnay ng isang murder case na kinakaharap nito.

Gayunman, nilinaw ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, na hindi pa rin makakalaya ang dating mambabatas dahil na rin sa isa pang kasong kinakaharap.

“There is one more pending case,” ayon sa mensahe ni Topacio sa mga mamamahayag.

Batay sa 27-pahinang resolusyon, pinayagan ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 30 na maglagak si Teves ng P500,000 piyansa kaugnay ng kasong kinakaharap nito dahil sa umano’y pagpatay kay Pacito Libron noong Hunyo 2019 sa Bayawan City, Negros Oriental.

Bukod kay Teves, pinayagan din na makapaglagak ng tig-P250,000 piyansa ang mga kapwa akusado niya sa kaso na sina Richard Cuadra at Rolando Pinili.

Paliwanag ng korte na mas malaki ang piyansang ipinataw kay Teves dahil sa pagiging dating mambabatas nito at dati na ring rekord nang paglabas ng bansa at tangkang paghingi ng asylum mula sa East Timor.

Si Teves ay kasalukuyang nakapiit sa jail facility ng National Bureau of Investigation (NBI) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Nahaharap din siya sa kasong multiple counts ng kasong murder, frustrated murder, at attempted murder dahil sa umano’y pagpatay kay dating Neg­ros Oriental Governor Roel Degamo at iba pang supporters nito, sa loob mismo ng kanyang tahanan noong 2023.

ARNOLFO “ARNIE” TEVES JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with