^

Bansa

Bong Go: Magsama-sama, korapsiyon sugpuin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinilala ni Senador Christopher “Bong” Go ang bahagyang pagsulong ng Pilipinas sa Corruption Perceptions Index (CPI) score ngunit patuloy aniya na dapat magsikap ang bawat isa upang labanan ang katiwalian.

Sa 100, ang Pilipinas ay tumaas sa 34 noong 2023 na ulat ng Transparency International o isang puntong pagtaas mula sa nakaraang taon.

Sa kabila ng katamtamang pag-unlad na ito, na ang Pilipinas ay nasa ika-115 na ngayon sa 180 bansa, nananatiling mababa sa pandaigdigang average ang Pilipinas--isang pahiwatig na nagpapatuloy ang mga hamon ng korapsyon.

Binigyang-diin ni Go na kailangan ang sama-samang pagsisikap upang labanan ang katiwalian, na katulad ng paglaban sa krimen at iligal na droga, ito ay nangangailangan ng diskarte sa buong bansa.

“Dapat ang mga ordinaryong mamamayan ay makilahok din sa kampanya upang masugpo ang korapsyon. Kung may nakikita kayong pangungurakot sa kaban ng bayan, isumbong ninyo at sama-sama nating linisin ang ating sistema,” iginiit ni Go.

Bilang Special Assistant to the President noong nakaraang admi­nistrasyon, pinangasiwaan ni Go ang pagtatatag ng Truth and Justice Coalition, na nagbigay ng kapangyarihan sa mga stakeholder ng pribadong sektor na makiisa sa paglaban sa katiwalian.

Kamakailan lang ay tinalupan ng Senado ang “ayuda scam” kung saan binabawasan umano ang tulong pinansyal sa mahihirap, gayundin ang korapsyon na may kaugnayan sa agricultural smuggling at operasyon sa paliparan.

Isinulong din ni Go ang Senate Bill No. 1185 para sa Bureau of Immigration Modernization na layong pahusayin ang mga tauhan, kompensasyon, at pangkalahatang moder­nisasyon upang masugpo ang korapsyon sa ahensiya.

vuukle comment

CORRUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with