^

Bansa

6 patay, 1 nawawala bunsod ng landslides, baha sa Davao de Oro

James Relativo - Philstar.com
6 patay, 1 nawawala bunsod ng landslides, baha sa Davao de Oro
Residents push a makeshift raft loaded with a motorcycle through floodwaters brought about by heavy rains in Propseridad town, Agusan del Sur province on southern Mindanao island on February 1, 2024. Floods and landslides triggered by torrential rain have killed six people in the Philippines, with one other person missing, rescuers said February 1.
AFP/Erwin Mascarinas

MANILA, Philippines — Umabot na sa anim katao ang namamatay sa Mindanao dulot ng matitinding buhos ng ulang dala ng trough ng low pressure area (LPA), dahilan para mawala rin ang isa.

Ayon kay municipal disaster office Romeo Tublag nitong Huwebes, tatlo sa mga namatay ay nagmula sa Maragusan, Davao de Oro — isa sa pinakanasalanta kasama ng kalapit na bayan ng Maragusan.

"Our town is surrounded by mountains so landslides are an ever-present threat. It's been raining almost daily here," wika ni Tublag sa panayam ng AFP.

(Napapaligiran ng mga bundok ang bayan namin kung kaya't nandiyan lagi ang banda ng pagguho ng lupa. Halos araw-araw umuulan).

Sa New Bataan, patay sa landslide ang isang lalaki habang unagos naman ng baha ang isang babae dahilan para siya'y masawi. Nakuryente naman hanggang mawalan ng buhay ang isa pang lalaki sa labas ng kanilang bahay, ayon kay disaster official Aeona Armocilla.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Biyernes, umabot na sa 80 insidente ng pagguho ng lupa ang nangyari sa mga sumusunod na lugar dahil sa trough of LPA:

  • Davao de Oro
  • Davao Oriental
  • Davao City
  • Agusan del Sur
  • Surigao del Sur

Nasa 52 insidente naman ng pagbaha ang naitala sa kabuuan ng Region XI (Davao Region).

Napilitan nang sumilong sa mga evacuation centers ang 19,374 katao sa Davao Region at CARAGA, bagay na bahagi lang ng kabuuang 98,793 nasalanta.

Una nang inendorso ni House Speaker Ferdinand Romualdez ang pagpapalabas ng P150 milyong financial assistance ng gobyerno para sa mga biktima ng baha sa Davao Region. — may mga ulat mula sa Agence France-Presse

vuukle comment

CARAGA

DAVAO REGION

LOW PRESSURE AREA

NDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with