Career Service Exams itinakda sa Agosto 20, aplikasyon umpisa na
MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Civil Service Commission (CSC) na ang aplikasyon para sa itinakdang Agosto 20, 2023 Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) para sa Professional and Sub-professional Levels ay hanggang Hunyo 21, 2023 matapos itong magsimula na kahapon.
“Ang CSC ay nagkasa ng 97 testing centers sa 16 rehiyon sa buong bansa bilang paghahanda sa inaasahang dami ng mga aplikante at upang gawing mas accessible ang pag-a-apply para sa CSE-PPT para sa mga interesadong maging bahagi ng serbisyo sibil ng bansa,” ayon kay CSC Chairperson Karlo Alexei Nograles.
Sinabi ni Nograles na ang mga interesadong aplikante ay dapat makasunod sa itinatakdang rekisitos sa kuwalipikasyon para maging eligible sa aplikasyon.
Una rito kailangan ang mga ito ay Filipino citizens at 18-anyos na sa paghahain ng aplikasyon, at may ‘good moral character’ bilang isa sa mga criteria.
“It is likewise imperative that applicants have not been convicted by final judgement of an offense or crime involving moral turpitude, ordisgraceful or immoral conduct, dishonesty, examination irregularity, drunkenness, or addiction to drugs. Furthermore, they must not have beendishonorably discharged from military service, or dismissed for cause from any civilian position in the government,”anang opisyal.
Hindi rin dapat nakakuha ng kaparehong antas ng Career Service Examination maging PPT o CSC Computerized Examination sa loob ng 3 buwan mula sa petsa ng pagsusulit o mula Mayo 20 hanggang Agosto 19, 2023.
Ang mga kuwalipikadong aplikante ay kailangang magsumite ng rekisitos sa mga tanggapan ng CSC.
- Latest