^

Bansa

Bill vs ’no permit, no exam’ policy, ipasa na!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bill vs �no permit, no exam� policy, ipasa na!
Anti- No Permit, No Exam” bill aims to prevent schools from rejecting students with unpaid school fees from taking examinations.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Senador Chiz Escudero ang mga kapwa mambabatas na kaagad ipasa ang panukalang nagbabawal sa “no permit, no exam” policy na ipinapatupad ng ilang educational institutions na tinawag niyang pinakamalupit na multa para sa mga estudyante.

Sinabi ni Escudero, chairman ng Committee on Higher, Technical and Vocational Education na dapat agad nang ipasa ang Senate bill 1359, per Committee Report No.6 na bukod sa nagbabawal sa “no permit, no exam” policy ay nagbabawal din ito sa mga pribado at pampublikong eskwelahan na hindi pakuhain ng exam ang mga estudyante na mayroong utang o property obligations tulad ng hindi bayad na tuition at iba pang school fees.

Partikular din na tinukoy ni Escudero ang nakasaad sa panukala na nagbabawal sa mga educational institutions na pakuhanin ang mga estudyante ng permit para makapag-exam o anumang uri ng education assessment mula sa school authorities bago ang ekasaminasyon o assessment.

Ipagbabawal din ang pag-uutos sa mga estudyante o mga magulang at legal guardians na magbayad ng bahagi ng financial o property obligations bago ang eksaminasyon o assessment.

Gayundin ang pagtatakda ng multa o interes sa outstanding financial o property obligations na lalampas sa itinakdang maximum interest.

Sa ilalim ng panukala tanging ang school management lang ang mananagot sa sinumang lalabag dito sa sandaling maisabatas at hindi kasama ang mga guro.

Itinakda ang multa mula P20,000-P50,000 sa sinumang lalabag dito.

 

vuukle comment

CHED

CHIZ ESCUDERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with