^

Bansa

Pangulong Marcos, target maglaan ng P1 bilyong housing subsidy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos, target maglaan ng P1 bilyong housing subsidy
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pasinaya ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Project-Batasan Development Urban Renewal Plan sa Commonwealth Ave, IBP Road, Quezon City kahapon. Kasama rito ng Pangulo sina QC Mayor Joy Belmonte, Housing Sec. Jerry Acuzar, Cong. Ralph Wendel Tulfo at Speaker Martin Romualdez.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maglaan ng P1 bilyon housing subsidy fund para sa low-cost housing ng gobyerno.

Sa groundbreaking ceremony ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Project na inilunsad sa Quezon City, sinabi ng Pangulo na pinag-aaralan na nila ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar ang pag­likha ng subsidy fund para matulungan ang mga benepisyaryo na hindi ka­yang bayaran ang monthly amortization ng housing units.

Aminado ang Pangulo na bagaman at maganda ang proyekto ng pabahay para sa mga mahihirap, marami pa rin ang hindi nakakabayad ng buwanang hulog kaya dapat tulungan sila ng gobyerno.

“Pinag-aaralan namin ni Secretary Acuzar ang pagtatayo ng subsidy fund para dito sa ating housing program. Siguro, magla­lagay tayo diyan, ‘pag nakahanap tayo ng pera, mga P1 billion to start with para meron tayong subsidy na ibibigay para sa ating magiging tenant,” dagdag ni Marcos.

Pinasalamatan din ni Marcos si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa pagsuporta sa proyekto ng DHSUD at paglalaan ng lupa na tatayuan ng dalawang high-rise buildings na may mahigit na 2,100 units para sa mga miyembro ng Batasan Tricycle Operators and Drivers’ Association (BaTODA) at kanilang pamil­ya at mga informal settlers sa lungsod.

“Let me also thank the local government led by our good mayor, Mayor Joy Belmonte, for the local government’s support to the DHSUD and the national government and for allocating land and financial resources for housing. A very critical service for all of us in government,” ani Marcos.

Tiniyak naman ni Belmonte na ang mga mahihirap na pamilya at ang mga nakatira sa mga lugar na delikado sa kalamidad ay uunahin sa mga low-cost housing projects sa lungsod.

Ang ground floor ng gusali ay magiging terminal ng tricycle at ang lugar ay accessible sa palengke, eskuwelahan at ospital.

vuukle comment

HOUSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with