10 PNP senior officers ‘di pa nagsusumite ng courtesy resignation
MANILA, Philippines — Isang araw bago ang deadline, nasa 10 opisyal pa ng Philippine National Police (PNP) ang hindi pa rin nagsusumite ng kanilang courtesy resignation na panawagan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos upang matigil ang illegal drugs activities sa bansa.
Ayon kay PNP–Public Information Office chief Police Colonel Red Maranan, sa bilang na ito, tatlo ang heneral at pito ang police colonels.
Nasa 941 na ang kabuuang bilang ng nakapagsumite ng resignation.
Sinabi ni Maranan na hanggang ngayon na lang hihintayin ang pagbibitiw ng mga ito upang masimulan na ang assessment at evaluation ng 5-man committee.
Nauunawaan ng PNP na maaaring kailanganin ng ilang opisyal ng ilang oras upang magdesisyon kung maghain o hindi ng kanilang pagbibitiw.
Naniniwala si Maranan na hindi bibiguin ng kanilang mga kasamahan ang panawagan ni Abalos at mananaig pa rin ang kanilang sinumpaang tungkulin sa bayan.
Una nang sinabi ni Abalos na ang evaluation at assessment ng courtesy resignation ng komite ay dapat matapos sa loob ng dalawang buwan saka sisimulan.
- Latest