^

Bansa

Botohan sa malls, ikinakasa ng Comelec

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Botohan sa malls, ikinakasa ng Comelec
Habang papalapit ang deadline para sa registration siya namang pagdami pa ng mga humahabol na nagpaparehistrong indibiduwal sa Comelec office sa Quezon City para sa nalalapit na Barangay at SK elections.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Posibleng magsagawa ng pagboto sa ilang piling malls sa bansa, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia na plano ng Comelec na i-transfer ang ilang piling polling precincts sa mga malls, upang doon isagawa ang pagboto at bilangan ng boto, sa mismong araw ng halalan para sa pilot test sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Gayunman, tanging ang mga polling precincts na malapit lamang aniya sa malls ang maaari nilang isama sa pilot test.

Nasa tatlong lugar lamang din ang pipiliin nila para sa naturang pilot project.

Ani Garcia, sakaling maging matagumpay ang proyekto at mapatunayang mabisa para sa mga botante ay maaaring payagan na nilang sa mga malls isagawa ang botohan sa bansa sa 2025 elections.

“If this would prove to be successful and [more efficient] for voters, maybe we could let voters nationwide cast their votes at malls in the 2025 [elections],” ani Garcia, sa panayam sa radyo nitong Biyernes.

Nabatid na tinalakay na rin ni Garcia ang naturang plano sa mga mall operators at bukas naman aniya ang mga ito sa naturang ideya.

Iminungkahi pa nga aniya ng mga ito na buksan ng mas maaga ang malls kumpara sa kanilang regular working hours para mapaglaanan ng mas mahabang panahon ang pagboto.

 

 

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with