^

Bansa

CSC, nag-aalok ng mga kurso sa pagsasanay para sa civil servants

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
CSC, nag-aalok ng mga kurso sa pagsasanay para sa civil servants
Kabilang sa mga kursong ito ang mga paksa sa iba’t ibang pamumuno at HR function tulad ng Leadership and Management Certification Program, Public Service Values Program, CSI Leadership Series, Competency-based HR Program, Learning and Development Programs at Strategic HROD Series.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nag-aalok ang Civil Service Commission (CSC) ng mahigit sa 70 kurso na may kinalaman sa leadership, foundation at Human Resource Management (HRM) sa pamamagitan ng Civil Service Institute (CSI) sa mga civil servants sa bansa para sa 2023.

Kabilang sa mga kursong ito ang mga paksa sa iba’t ibang pamumuno at HR function tulad ng Leadership and Management Certification Program, Public Service Values Program, CSI Leadership Series, Competency-based HR Program, Learning and Development Programs at Strategic HROD Series.

Ang mga rehistradong kalahok na makakatapos ng mga online na kursong ito ay makakakuha ng “certificate of completion” gayundin ang kinakailangang training hours na magagamit upang matugunan ang kinakailangan sa pagsasanay para sa mga posisyong managerial at superbisor para sa civil service.

“Ito ay bahagi ng regular na programa ng CSC na maghatid ng learning and development interventions para sa mga lider at kawani ng pamahalaan. Mahalaga para sa ating mga lingkod bayan na mayroon silang continuous learning, na patuloy na madagdagan ang kanilang kaalaman at mahasa ang kanilang competencies na kinakailangan para makapagbigay ng maayos na serbisyo publiko,” ayon kay CSC Chairperson Karlo Alexei Nograles.

Ayon sa opisyal, ang mga naka-line-up na kurso ngayong taon ay upang matulungan ang mga tagapaglingkod ng sibil, kabilang ang mga managers at mga human resource practitioners, na mag-navigate sa mga pagbabago sa burukrasya at mga hamon ng serbisyo publiko sa panahon ng post-pandemic.

vuukle comment

CIVIL SERVICE COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with