^

Bansa

Fuel subsidy sa trike drivers, pabibilisin - DOTr

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Fuel subsidy sa trike drivers, pabibilisin - DOTr
File photo shows a gas attendant in Baseco Tondo, Manila on Feb. 15, 2022.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pabibilisin ng Department of Transportation (DOTr) ang pamamahagi ng fuel subsidy sa libu-libong tricycle dri­vers na hindi pa natatanggap ang bahagi nila sa P2.5 bilyon na inilaan ng pamahalaan.

Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, pinag-usapan nila ni DOTr Sec. Jaime Bautista kung paano mapapabilis ang pamamahagi ng subsidy dahil hirap na hirap na ang mga tricycle driver bunsod ng mataas na presyo ng gasolina, inflation, at ang pan­demya na nakaapekto sa kanilang kabuhayan.

Sa nasabing pulong umano ay pumayag si Bautista na idaan ang subsidy sa local government units (LGUs) dahil may kakayahan itong ipamahagi ang cash assistance.

May listahan din umano ang mga LGU ng mga tricycle driver sa kani-kanilang lugar.

Hinikayat din Caye­tano si Bautista na ga­mitin ang pagiging dating private sector executive para baguhin at ayu­sin ang DOTr nang sa gayon ay makinabang ang transport sector at gumanda ang transportation system ng bansa.

vuukle comment

FUEL SUBSIDY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with