^

Bansa

Mga patay ginagamit para makakuha ng government IDs

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni Senator JV Ejercito na ginagamit ng mga dayuhan ang pagkakakilanlan ng mga patay na tao para makakuha ng government issued identification cards sa Pilipinas.

Sa pagdinig ng Se­nate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay sa serye ng pagkidnap at pagdukot sa bansa, hinikayat ni Ejercito ang Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang operasyon laban sa mga ganitong krimen.

Giit ng senador, mara­ming foreign nationals partikular na mula sa mainland China ang pumasok dito na gumagamit ng identities ng mga patay na tao para maikonsi­derang Filipino citizens.

Kinumpirma rin naman ni Fortunato Manahan Jr., OIC deputy commissioner ng Bureau of Immigration (BI) na mayroon silang mga pinadeport na fo­reign nationals dahil sa paggamit ng mga pekeng pasaporte at marriage certificates.

Nauna nang naghain ng Senate Resolution No. 194 si Ejercito na imbes­tigahan ang nakaalarmang pagtaas ng kaso ng kidnapping, abduction at pagkawala lalo na ng mga kababaihan, Philippine Offshore Gaming Ope­rator (POGO) workers, at mga Filipino-Chinese individuals.

Partikular na pinaim­bestigahan ang umano’y pagkidnap sa isang Chinese national sa Skyway at ang dokumentadong pag-torture sa isang biktima na tinanggal ang tenga.

Giit ni Ejercito, dapat maberipika kung tunay ang nasabing mga video para masolusyunan ang problema at hindi magdulot ng panic sa publiko lalo na sa sektor ng mga negos­yante.

vuukle comment

ID

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with