Pinoy jiu-jitsu expert sinampolan lalaking nag-amok sa Amerika
MANILA, Philippines — Hindi umubra sa isang Pinoy martial arts expert ang isang Amerikanong "nambubugbog ng kung sinu-sino lang" sa New York City, dahilan para masagip ang ilang sibilyang inatake ng huli.
"Play stupid games, and win stupid prizes," ani Ro Malabanan, isang Filipino-American jiu-jitsu black belter, sa kanyang Instagram nitong ika-28 ng Hulyo.
"This guy assaulted six people before I got to him. I witnessed him punch someone right in front of me. Stay safe out there, everyone."
Sa panayam ng NBC New York na in-upload nitong Martes (oras sa Maynila), sinabing papunta na sana si Malabanan sa trabaho nang makita niya ang suspek na nanununtok ng isang construction worker.
Hindi na raw niya napigilang umaksyon dahil sa baka manakit pa raw ng ibang tao ang suspek.
"The reason I did it is because I was afraid that he was gonna harm another person," wika niya.
"I walked up to the guy that got hit and check to see if he was okay. He said he was not okay... My martial arts had kicked in, I was like, 'Yeah, let's go stop this guy."
"My jiu-jitsu training just kicked in and I immediately just jumped on his back."
Habang pini-pin sa kongkreto ang suspek, inantay ni Ro hanggang sa makarating ang mga pulis.
Si Malabanan, isang mixed-martial arts practitioner na nagtuturo rin ng boxing, ay ipinanganak sa Pilipinas ngunit lumaki sa Estados Unidos.
Hindi raw niya tinitignan ang sarili bilang bayani, dahil sa ginagawa lang daw niya ang trabaho niya bilang isang New Yorker.
"I'm just really grateful that I was able to stop someone and be able to use my martial arts skills and put it to use," dagdag pa niya.
"Doing it in the gym is one way but being able to help others... in essence is what a martial artist is trying to do... For me to be able to do that in a real world situation? Yeah, that is incredible."
Ayon sa kapulisan, dati nang inakusahan ang suspek ng unprovoked assault.
- Latest