Marcos: ‘No more secrets’ sa pagtugon sa pandemic
MANILA, Philippines — Nangako kahapon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na aayusin ang mga pagkukulang ng gobyerno sa pagtugon sa pandemya at wala ng mga sikreto pagdating sa isyu ng public health.
“There were shortcomings in the COVID-19 response. We will fix them, out in the open, no more secrets in public health,” ani Marcos.
Nangako rin si Marcos na hindi na muling mabubulaga ang Pilipinas na walang mga nakahandang kagamitan sakaling magkaroon muli ng pandemya.
Isa si Marcos sa mga unang nahawahan ng COVID-19 noong kasagsagan ng pandemya.
Pinuna rin ni Marcos ang mahinang public health system ng bansa na hindi uubra sa pandemya.
Nabanggit din niya ang pag-alis ng mga medical workers para maghanap ng oportunidad sa labas ng bansa.
Sinabi rin ni Marcos na ang mga nurses ng Pilipinas ang pinakamagaling sa buong mundo at kinikilala sa ibang bansa ang kanilang kahusayan pero hindi napapahalagahan sa kanilang sariling bayan.
“Our nurses are the best in the world, they have acquitted themselves with the highest distinction abroad, having suffered even the highest casualties with the same exemplary dedication. At home, they just got by,” ani Marcos.
Nangako si Marcos na magkakaroon na ng pagbabago lalo pa’t kasama sa kanyang Gabinete ang isang Ople na ang tinutukoy ay si Migrant Workers Secretary Susan Toots Ople.
- Latest