^

Bansa

Pinoy lawyer, ‘brain dead’ sa pamamaril sa US

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinoy lawyer, �brain dead� sa pamamaril sa US
Base sa impormasyon na nakuha ng consulate, ang biktima at kanyang ina ay bumibisita lamang sa kanilang kamag-anak sa Philadelphia at papunta na sa airport dakong alas-4 ng madaling araw para sa kanilang flight patungo sa Chicago ng pagbabarilin ang kanilang sinasakyang Uber car.
STAR/ File

MANILA, Philippines — “Brain dead” ngayon ang isang Pinoy na abogado matapos ang isang shooting incident sa Estados Unidos, kahapon.

Kinilala ni Philippine Consulate General Elmer Cato ang biktima na si Atty. John Laylo, 36, na ginagamot sa isang pagamutan sa Philadelphia.

Base sa impormasyon na nakuha ng consulate, ang biktima at kanyang ina ay bumibisita lamang sa kanilang kamag-anak sa Philadelphia at papunta na sa airport dakong alas-4 ng madaling araw para sa kanilang flight patungo sa Chicago ng pagbabarilin ang kanilang sinasakyang Uber car.

Tinamaan umano sa ulo ang biktima ng isa sa anim na bala na mula sa mga suspek at kaagad na dinala sa kalapit na ospital kung saan nasa kritikal habang ang kanyang ina naman ay nagtamo lamang ng bahagyang sugat mula sa mga tumalsik na salamin ng sasakyan.

Sinabi ng opisyal na si incoming Secretary of Migrant Workers Susan Ople ang nagbigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa shooting incident sa Philadelphia kung saan nasugatan ang abogado na bumibisita lamang doon.

Kaagad naman umano nilang inalerto si Deputy Consul General Arman Talbo na nasa Philadelphia at inatasan na magtungo sa ospital kung nasaan ang biktima at kanyang ina.

Siniguro naman umano ni Talbo sa ina ng biktima na magbibigay ng tulong ang consulate habang patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad sa Philadelphia na nagsabi na kanila nang iniimbestigahan ang nasabing kaso habang wala pa namang naaresto sa mga suspek.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with