^

Bansa

Internet sa mga liblib na lugar pinatitiyak ni Marcos sa DICT

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinatitiyak ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa napili niyang magiging kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na magkakaroon ng access sa internet ang mga nakatira sa mga liblib na lugar.

Ayon kay incoming DICT Secretary Ivan John Uy, maliwanag ang marching order ni Marcos na makaabot ang digital connectivity sa mga liblib na lugar.

Ipinaliwanag din ni Uy na maraming mga isla sa bansa ang wala pang internet.

“Alam ninyo po ang Pilipinas ay archipelago at napakaraming mga isla, wala pang access to the world wide web, at ito po ay dapat i-prioritize po natin. So, that’s one of the marching orders po,” ani Uy.

Gagawin din aniya ng DICT na mapasimple para sa mga mamamayan ang access sa mga serbisyo ng gobyerno sa pamamagitan ng e-governance.

“And second is to address e-governance. Ito po ay upang mapasimple ang mga transaksyon ng ating mga mamamayan sa mga access to government services. So we are looking at streamlining, reducing red tape and minimizing iyong mga pila-pila po sa mga iba-ibang opisina ng gobyerno, mag-a-absent sa trabaho upang makakuha lang ng certification, ng clearance or gagawa ng mga applications sa government offices,” ani Uy.

vuukle comment

DICT

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with