^

Bansa

30 local hospital measures lusot sa final reading ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang 30 panukalang batas na naglalayong mapabuti, bumuo, at magtatag ng mga pampublikong ospital sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Bilang tagapangulo ng Senate committee on health at nag-sponsor ng mga panukalang batas, nagpasalamat si Senator Christopher “Bong” Go, sa mga kapwa mambabatas sa pag-apruba sa mga nasabing hakbang.

Binibigyang-diin nito ang pangangailangang ipagpatuloy ang pagbuo sa pag-unlad na ginawa ng bansa upang mapabuti ang sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa harap ng pandemya.

“Sa pandemyang ito, nakita natin kung gaano kahalaga ang investment sa ating healthcare system. Kaya naman ipinapasa ang mga batas na ito upang masiguro ang tuluy-tuloy na pagpapaganda ng ating mga ospital at iba pang health facilities sa bansa,” ayon kay Go.

Kasama sa mga panukalang lokal na ospital na inaprubahan ng Senado ang mga panukalang batas na nagdaragdag sa kapasidad ng kama.

Sa ngayon ay nag-sponsor si Go ng 39 batas na naglalayong i-upgrade ang mga kasalukuyang ospital ng gob­yerno, bukod sa pagtatatag ng mga bago.

vuukle comment

SENADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with