^

Bansa

Gastos sa kampanya, isumite

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Mga kandidato pinaalalahanan

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng kandidato na tumakbo nitong nakalipas na May 9 National at Local Elections na huwag kalimutang isumite ang kanilang Statement of Contribution and Expenditures (SOCEs).

“Sa mga tumakbo po kahit nag-withdraw kahit hindi natuloy, aba’y magsa-submit po kayo ng SOCE, Statement of Contribution and Expenditures,” panawagan ni Comelec Commissioner George Garcia.

Sinabi niya na sa SOCE malalaman ng taumbayan kung saan galing at magkano ang pondong ginastos ng mga kandidato na ginamit nila sa pangangampanya.

Mababatid rin sa deklarasyon kung paano ginastos ang pondo, kung may natira o sobra at kung nagbayad ba sila ng kaukulang buwis.

Base sa umiiral na batas, maaaring itabi sa pamamagitan ng pagdedeklarang ‘income’ o kita ang sobrang ‘campaign fund’ basta matitiyak na magbabayad sila ng kaukulang buwis.

Nakatadhana ito sa ilalim ng Section 14 ng Republic Acgt 7166, kung saan nasusulat na ang mga kandidato at treasurero ng mga partidong politikal ay kailangan na isumite sa loob ng 30 araw matapos ang halalan ang totoo at ‘itemized’ na SOCE.

Hindi maaaring gampanan ng mga kandidato ang kanilang tungkulin kung sakaling nanalo hanggang hindi sila nakapagsusumite ng kanilang SOCE maging ang mga partido na nagnonomina ng kanilang nanalong kandidato.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with