^

Bansa

5 bata nalunod sa lawa ng Taal

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

Batangas , Philippines — Nauwi sa trahedya ang masaya sanang outing ng magkakamag-anak matapos malunod ang limang bata na may edad 7 hanggang13 -anyos sa lawa ng Taal Martes ng tanghali.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Jaime Rose Ann Jacutan, 13, Kiel Zackary Pasaron, 10, Sherin Ashtrid Dela Rosa, 8, Kurtney Prian Presas,8 at Rodney Mark Dela Rosa, 7 anyos, pawang mga residente ng Sitio Sto. Toribio, Brgy. Marauoy, Lipa City.

Unang nakuha ng Philippine Coastguard ang mga labi nila Jacutan at Dela Rosa bandang alas-5:00 ng hapon noong Tuesday. Kinabukasan naman nakuha ang labi ng tatlo pang bata bandang alas -10 ng umaga.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), nagtungo ang mga bata sa may lawa ng Taal na sakop ng Barangay, Sala bayan ng Balete bandang alas-12:30 ng tanghali para mag-swimming.

Ilang saglit pa, nawawala na ang mga ito. Ayon kay PCapt. Ricky Gonzales, chief of ng Balete PNP, mahigpit na ipinagbabawal ang paglangoy sa nasabing lugar. Sa isinagawang search and rescue natagpuan ang mga labi ng mga biktima.

vuukle comment

LIPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with