^

Bansa

Hindi ‘yan mangyayari’ — Marcos Camp

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi umano mangyayari ang “one-on-one” debate makaraang tanggihan agad ng kampo ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hamon ni Vice President Leni Robredo.

“Sa debate na hamon kay presidential frontrunner Bongbong Marcos ay hindi ito kailanman mangyayari sa ilang kadahilanan,” ang agad na tugon ni Vic Rodriguez,  tagapagsalita ni Marcos.

“At batid ni Ginang Robredo ang mga kadahilanang ‘yan.”

Iginiit ni Rodriguez na may magkaibang pananaw ang dalawang kandidato ukol sa mga political debates. Positibong pangangampanya umano ang ginagawa ng UniTeam ni Marcos habang inakusahan ang kampo ni Robredo na pawang paninira lang ang ginagawa.

“Positibong   pangangampanya at walang paninira ang gabay ng UniTeam ni Bongbong Marcos. At derecho sa taumbayan ang mga mensahe nito at ang panawagan ng pagkakisa,” ani Rodriguez. “Pawang mga negatibo, panlilinlang at paninira naman ang sa kampo ng dilawan.”

Idinagdag pa ni Rodriguez na kailangan ngayon ng publiko na makakita ng kalmadong mga lider habang sumusuong ang bansa sa krisis sa ekonomiya dulot ng pandemya. — Joy Cantos

 

 

vuukle comment

FERDINAND MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with