^

Bansa

Anti-Terror Law, pinal na - SC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Anti-Terror Law, pinal na - SC
Sa botong 12-3 noong Disyembre, dalawang probisyon ang tinanggal dahil sa pagiging ‘unconstitutional’. Kabilang dito ang depinisyon ng terorismo sa section 4 dahilan para matanggal ang pagsasagawa ng mga adbokasiya, protesta at iba pang kahalintulad na gawaing sibil at politikal sa ‘act of terrorism’ hanggang walang intensyon na magdulot ng pagpaslang o panganib sa buhay ng isang tao at kapayapaan.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Isinapinal na ng Supreme Court ang kontro­bersyal na Anti-Terrorism Act makaraang ibasura ang mga ‘motion for reconsi­deration’ na inihain ng iba’t ibang grupo laban sa batas.

Sa ‘summer session’ sa Baguio City, naglabas ang SC ng ‘briefer’ na nagsasaad na pinanatili ng mga mahistrado ang kanilang boto sa kanilang desisyon noong Disyembre 7, 2021, na pinonente ni dating Associate Justice Rosmari D. Carandang.

“The Court resolved to deny the motions for reconsideration due to lack of substantial issues and arguments raised by the petitioners,” nakasaad sa SC briefer.

“Newly appointed Associate Justice Antonio T. Kho, Jr. sided with the majority,” dagdag pa nito.

Sa botong 12-3 noong Disyembre, dalawang probisyon ang tinanggal dahil sa pagiging ‘unconstitutional’. Kabilang dito ang depinisyon ng terorismo sa section 4 dahilan para matanggal ang pagsasagawa ng mga adbokasiya, protesta at iba pang kahalintulad na gawaing sibil at politikal sa ‘act of terrorism’ hanggang walang intensyon na magdulot ng pagpaslang o panganib sa buhay ng isang tao at kapayapaan.

Sa botong 9-6 naman, pinawalang-bisa ang ‘method for designation’ sa section 25 na nagbibigay sa Anti-Terrorism Council na mag-adopt ng “request for designations by other jurisdictions or supranational jurisdictions” kung susunod sa criteria na itinakda ng United Nations Security Council resolution.

Nitong Marso, kabi-kabilang petisyon mula sa iba’t ibang grupo ang inihain sa mataas na korte para muling ikonsidera ang kanilang posisyon sa ilang maiinit na isyu.

vuukle comment

ANTI-TERRORISM ACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with