^

Bansa

Tricycle drivers, iprayoridad sa murang pabahay – TODA partylist

Pilipino Star Ngayon
Tricycle drivers, iprayoridad sa murang pabahay � TODA partylist
File photo shows a group of tricycle drivers waiting for passenger.
STAR / File

MANILA, Philippines — Bilang kasama sa low-income households sa bansa, isinusulong ng TODA , numero 41 sa balota, na makasali sa mga prayoridad bilang benepisyaryo ng murang pabahay ng pamahalaan ang mga tricycle drivers na marami ang nangungupahan lamang o walang sariling tahanan.

“Nararapat lamang na maging prayoridad sa murang pabahay ang ating mga tricycle drivers dahil batid na­ting hindi kalakihan ang kitang naiuuwi nila sa kanilang pamilya sa kabila ng hindi matatawarang serbisyo nila sa milyun-milyong mananakay sa bansa,” ayon kay TODA partylist 1st nominee Rovin Feliciano.

Ayon kay Feliciano, maaaring gawin ito sa tulong ng Pag-IBIG kung saan target rin ng TODA partylist na maisali bilang aktibong miyembro ang mga tricycle drivers.

Bukod sa Pag-IBIG, layon din ng TODA partylist na maging sa Social Security System (SSS) ay maisali ang mga tricycle drivers na malaking tulong sa oras ng kanilang pangangailangan.

“Tapos na ang panahon ng pagtitiis para sa ating mga tricycle drivers dahil sa pagkakataong ito, sisiguraduhin nating mabibigyang boses na sila sa Kongreso at kikila­lanin na ng pamahalaan ang kanilang mga suliraning kailangang solusyunan,” pagtatapos ni Feliciano.

vuukle comment

HOUSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with