^

Bansa

Chiz hataw din sa OCTA senatorial survey

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Chiz hataw din sa OCTA senatorial survey
File photo shows Sorsogon Gov. Chiz Escudero.
Chiz Escudero / Facebook

MANILA, Philippines — Muling napabilang sa mga nangungunang kandidato sa pagka-senador si Sorsogon Gov. Chiz Escudero sa bagong opinion polls na inilabas ng research group na OCTA tatlong linggo bago ang halalan sa Mayo 9.

Kung ginanap ang halalan sa panahong ginawa ang survey mula Abril 2-6, 50% ang nagsabi na kanilang iboboto si Escudero, na isang beteranong mambabatas na naglingkod sa Senado nang dalawang magkasunod na termino, ayon sa pinakabagongnationwide polls ng OCTA Research na tinawag na “Tugon ng Masa.”

Si Escudero, na tanging kasalukuyang gobernador na tumatakbo para sa Senado, ay rumanggo nang 2-6 sa OCTA Research Senatorial Preference survey na isinapubliko noong Abril 17.

Palaging nangunguna ang beteranong mambabatas para sa mga respondent base na rin sa mga survey na isinasagawa ng iba’t ibang independent pollsters at research firms.

Lumilitaw rin na gustong-gusto manalo ng mga estudyante ang dating senador para sa karera sa Senado na makikita naman sa mga resulta ng mock elections na isinagawa ng hindi bababa sa 36 kolehiyo at unibersidad sa buong bansa.

Ang mga resulta ng nasabing campus mock elections ay lalong nagpatibay sa posisyon ni Escudero bilang isa sa 12 nangungunang senatorial candidates mula sa 60 aspirante na nagnanais makapasok sa mga pinaglalabanang puwesto sa Senado.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with