^

Bansa

Jinggoy pasok sa ‘Magic 12’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Jinggoy pasok sa �Magic 12�
Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations noong Marso, pasok sa pang-anim na puwesto si Estrada na kinikilalang kampeon ng mga manggagawang Pilipino.
The STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Umangat sa ika-anim na puwesto sa mga napipisil na senador si dating Senate President Pro tempore Jinggoy Estrada na tumatakbo sa ilalim ng UniTeam Alliance.

Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations noong Marso, pasok sa pang-anim na puwesto si Estrada na kinikilalang kampeon ng mga manggagawang Pilipino.

Nasa ikawalong puwesto naman siya batay sa huling survey ng OCTA Research. Noong mga nakaraang buwan, parating pasok sa tinatawag na ‘Magic 12’ si Estrada, bagay na ikinatuwa ng dating senador.

Pangulo ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP), si Estrada ay tumatakbo bilang senador sa ilalim ng Bongbong Marcos-Sara Duterte ticket. Siya ay nagsilbing chairman ng Senate Labor Committee sa loob ng 12 taon at kilala sa kanyang adbokasiya para sa mga karapatan ng manggagawang Pilipino. Siya ang principal author at co-author ng maraming panukalang naglalayong magbigay proteksyon sa mga manggagawa. Kinikilala rin siya bilang ama ng ‘Kasambahay Law’, isang batas na nagtataguyod sa interes at kapakanan ng mga kasambahay sa bansa.

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with