Duterte at Xi Jinping, mag-uusap online
MANILA, Philippines — Nakatakdang mag-usap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa Abril 8 sa pamamagitan ng online.
“Si Presidente Duterte mismo ang nag-announce na mayroon siyang meeting with China officials, at ang alam po natin ay online po ang meeting na ito sa darating po na April 8,” ayon kay Presidential Communications Operations Office Undersecretary Kristian Ablan.
Kinumpirma rin ni Ablan ang sinabi ni Duterte na ang gobyerno ng China ang nag-initiate ng meeting.
Hindi anya tatalakayin sa meeting ang tungkol sa isyu ng West Philippine Sea at ang krisis sa Ukraine at Russia dahil nasa “preparatory stage” pa lamang ang pag-uusap.
Malalaman din sa mga susunod na araw kung ano ang mapag-uusapan sa meeting.
- Latest