^

Bansa

Presyo ng petrolyo, posibleng tumaas sa P8 sa susunod na lingo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng petrolyo, posibleng tumaas sa P8 sa susunod na lingo
Batay sa pagtaya ng mga industry players, ang presyo ng diesel ay tataas ng P8 hanggang P8.15 kada litro habang sa kerosene ay madaragdagan naman ng P8.05-P8.15 kada litro.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines —  Inaasahang magkakaroon nang pagtaas na hanggang P8 kada litro ang mga presyo ng diesel at kerosene sa susunod na linggo.

Ito na ang ika-12 oil price hike na magaganap sa bansa sa loob lamang ng 13 linggo.

Batay sa pagtaya ng mga industry players, ang presyo ng diesel ay tataas ng P8 hanggang P8.15 kada litro habang sa kerosene ay madaragdagan naman ng P8.05-P8.15 kada litro.

Ang gasolina naman ang magkakaroon ng pinakamababang pagtaas ng presyo na aabot lamang sa P3 hanggang P3.15 kada litro.

Matatandaang inaasahan na ang pagtaas ng global gas prices dahil sa giyerang nagaganap sa pagitan ng mga bansang Russia at Ukraine.

vuukle comment

OIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with