^

Bansa

Dagdag na P500 ayuda hanggang 3 buwan lang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Dagdag na P500 ayuda hanggang 3 buwan lang
Ayon kay acting Budget Secretary Tina Canda, totoo ang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez at sa ngayon ay hanggang tatlong buwan lamang ang tiyak na makapamimigay ng tulong ang gobyerno.
Presidential Photo / File

MANILA, Philippines — Hanggang tatlong buwan lamang posibleng makayanan ng gobyerno na magbigay ng dagdag na P500 sa mga pinakamahihirap na pamilyang Filipino.

Ayon kay acting Budget Secretary Tina Canda, totoo ang sinabi ni Finance Secretary Carlo Dominguez at sa ngayon ay hanggang tatlong buwan lamang ang tiyak na makapamimigay ng tulong ang gobyerno.

Nauna nang sinabi ni Dominguez na posibleng magkaroon ng problema sa budget matapos itaas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P500 ang unang plano na P200 na ibibigay sa mga mahihirap.

“Totoo naman iyan kasi si Secretary Dominguez ang in-charge sa pagkalap ng pananalapi para dito sa ating programa. So—kaya iyang 500 pesos a month na iyan, ang kaya pa lang at this point is probably mga tatlong buwan ‘no, siguro sa mga excess revenues na makukolekta ng DOF,” ani Canda.

Nasa 13 milyong benepisyaryo ang inaasahang makakatanggap ng pinansiyal na tulong.

Inaasahang sa susunod na buwan pa magsisimulang ipamigay ang tig-P500 sa mga benepisyaryo.

Ayon pa sa DBM, aabot sa P20 bilyon ang ilalaan ng gobyerno sa susunod na tatlong buwan para sa mga bibigyan ng pinansiyal na tulong dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Idinagdag ni Canda na sa ngayon ay walang ibang mapagkukunan ng pondo ang gobyerno para sa programa.

vuukle comment

DBM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with