^

Bansa

Duterte sa drug war probe: ‘Ako na bahala sa kaso ko’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte sa drug war probe: �Ako na bahala sa kaso ko�
President Rodrigo Roa Duterte tends to the survivors of Typhoon Odette as he visits the affected areas in Tisa, Cebu City on Dec. 23, 2021.
Presidential photo / Alfred Frias

MANILA, Philippines — Masayang isasalin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapangyarihan sa sinumang mahahalal na pangulo ng bansa sa halalan sa Mayo at siya na ang bahala sa mga kasong nakahain sa kanya sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi rin ni Duterte na dalawang buwan na lamang at lilisanin na niya ang Malacañang bagaman at hanggang Hunyo pa ang kanyang termino.

“Dadalawang buwan na lang, I’ll be out. I’ll be happy to transfer the power to whoever you would elect as president. Iyon lang naman ang akin. Ako na ang bahala sa kaso ko. I did it for my country,” ani Duterte sa isang talumpati sa Ilocos Sur kamakalawa.

Muling binanggit ni Duterte ang pangako na magkakaroon ng kaayusan at hindi siya nababahala sa kaso sa ICC.

“One is that I promised you law and order . . . I’m now facing a criminal charge sa I — Criminal — International Criminal Court. Good, basta tinupad ko ‘yung trabaho, wala na akong pakialam kung ano ang mangyari sa akin,” ani Duterte.

Sa mga naunang pahayag ni Duterte pinanindigan nito na hindi siya papayag na litisin ng mga banyaga at sa korte lamang sa Pilipinas siya haharap dahil gumagana naman aniya ang justice system ng bansa.

vuukle comment

ICC

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with