^

Bansa

Lacson-Sotto: WFH mas epektibo kung malakas ang internet

Pilipino Star Ngayon
Lacson-Sotto: WFH mas epektibo kung malakas ang internet
Ayon kina Lacson at Sotto, nabigo ang bansa na magkaroon ng mas malakas na internet noong panahon ng Arroyo admi­nistration dahil sa nangya­ring kontrobersya sa National Broadband Network (NBN) deal.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isinusulong ng tamba­lang Lacson-Sotto na pa­lakasin ang internet connection sa buong bansa upang magpatuloy ang telecommuting o work-from-home (WFH) na na­katulong sa maraming industriya at negosyo nga­yong pandemya. 

Pabor man sina Partido Reporma presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson at kanyang running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa pagbabalik ng mga empleyado sa kani-kanilang opisina, ngayong nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila, batid nila na may ilang mga kompanya na nais ipagpatuloy ang WFH setup.  

“I-enhance natin ‘yung internet service. Paano tayo magwo-work-from-home kung laglag nang laglag ‘yung ating signal, hindi ba? Napaka-importante. Kaya ‘yan kasama sa programa namin talaga. Dapat mag-invest tayo sa ating DICT (Department of Information and Communications Technology), ‘yung national broadband network, ‘yung highway, para ma-activate na natin,” ani Lacson.

Dagdag ni Sotto, may ilang industriya na kina­ka­ilangan na talagang maging on-site habang mayroon namang trabaho na posibleng mag-WFH at pasok sa Telecommuting Act.

Ayon kina Lacson at Sotto, nabigo ang bansa na magkaroon ng mas malakas na internet noong panahon ng Arroyo admi­nistration dahil sa nangya­ring kontrobersya sa National Broadband Network (NBN) deal.

vuukle comment

INTERNET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with