^

Bansa

VaxCertPH puwedeng magamit sa 39 bansa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
VaxCertPH puwedeng magamit sa 39 bansa
Ipinaliwanag ni DICT Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic na naglabas ang gobyerno ng bagong bersiyon ng vaccination certificate o VaxCertPH dahil dinagdagan ang security features at isinama na rin ang data tungkol sa booster shots.
Image from the website of the city government of Davao.

MANILA, Philippines — Kinikilala ng 39 bansa ang vaccination certificate ng Pilipinas, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ipinaliwanag ni DICT Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic na naglabas ang gobyerno ng bagong bersiyon ng vaccination certificate o VaxCertPH dahil dinagdagan ang security features at isinama na rin ang data tungkol sa booster shots.

Unang inilunsad ang VaxCertPH noong Setyembre 2021 at ka­makailan ay naglabas ng bagong bersiyon ang Department of Health at DICT.

Tiniyak ni Caintic na mabilis lang makukuha ang VaxCertPH na magagamit sa paglalakbay.

Kabilang sa mga bansang kumikilala sa VaxCertPH ang Canada, Amerika, Australia at iba pang malalaking bansa na kabilang sa World Health Organization.

vuukle comment

DICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with