Villanueva inendorso ni Sara
MANILA, Philippines — Bagama’t hindi kasama sa senatorial slate ng UniTeam sa pagkasenador, inindorso pa rin ni Vice Presidential candidate at Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kandidatura ni re-electionist Senator Joel “Tesdaman” Villanueva.
Ayon kay Sara, kaibigan niya si Villanueva kaya handa siyang suportahan ito kahit na hindi kasama sa senatorial slate ni Presidential candidate at dating Senador Ferdinand Marcos.
Naniniwala rin siya sa kakayahan ni Villanueva at karapat-dapat lamang makabalik sa Senado dahil na rin sa kanyang nagawa.
Layon ni Villanueva sa kanyang pagbabalik sa senado na tuluy-tuloy na makapagbigay ng tulong, trabaho, at kabuhayan para sa bawat Filipino.
- Latest