^

Bansa

FVR Cabinet suportado si Robredo bilang pangulo sa 2022

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo ang 23 dating miyembro ng Gabinete at iba pang opis­yal sa administrasyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Sa isang unity statement, iginiit ng mga da­ting opisyal ng Ramos administration na si Robredo lang ang tanging kandidato bilang pangulo na kayang pamunuan ang bansa.

Anila, kailangan ng bansa ang isang lider na magpapalakas ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pamahalaan pati na sa mamamayan.

Ang susunod na lider ng bansa anya ay dapat magpapakita ng “servant leadership” at magiging halimbawa ng integridad, propesyonalismo, dedikasyon at pagiging statesman, at marami pang iba.

Dapat din taglayin ng susunod na pangulo ang sipag at totoong pagkali­nga sa mga kapwa Pilipino.

“We believe that Vice President Leni Robredo is the only presidential candidate who possesses the above-described qualities, and who can credibly lead us Filipinos closer to that dream,” wika pa nila.

vuukle comment

FVR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with