^

Bansa

Duterte ipinahahanda ang drug war report para sa ICC

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Interior and Local Government Secretary Eduar­do Año na maghanda ng report tungkol sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Nais ng Pangulo na ilagay sa report kung gaano karami ang ilegal na droga lalo na ang crystal meth o shabu  ang nasabat o nakumpiska ng mga awtoridad sa loob ng kanyang termino.

Sinabi ni Duterte na kapag dumating na ang oras ay maaaring ipakita sa International Criminal Court ang report. Muling binanggit ni Duterte na hindi siya magpapasakop sa jurisdiction ng ICC at dapat nilang makita kung gaano kalawak ang problema ng shabu sa bansa.

Sinabi naman ni Año na tinatayang nasa P79 bilyon hanggang P80 bilyon ang halaga ng shabu na nakumpiska ng mga alagad ng batas.

Mula aniya noong Disyembre 5 hanggang 11 ay nakapagsagawa ng 940 operasyon ang mga alagad ng batas kung saan naaresto ang nasa 1,253 suspects. Dalawampu’t isa sa mga drug offenders ay sumuko sa mga awtoridad samantalang wala namang naiulat na napaslang sa magkakahiwalay na operasyon.

Iniulat din ni Año na nasa P72.8 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa anim na araw na operasyon.

vuukle comment

ICC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with