^

Bansa

Rep. Along nagpasalamat sa suporta ng mamamayan ng Caloocan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni Caloocan City Rep. Along Malapitan ang mamamayan ng lungsod sa patuloy na suportang ibinibigay ng mga ito sa kanya.

Ito ay bunsod ng mu­ling pangunguna ni Malapitan sa panibagong survey na isinagawa ng Issues and Advocacy Center (The CENTER) at inilabas nitong Nobyembre.

Sa resulta ng 5 araw na “Pulso ng Pilipino” survey na isinagawa ng The Center mula Nobyembre 16-20, nakakuha si Malapitan ng 59 percent na voter’s preference. Ito ay 35 percent na mas mataas sa 24 percent na nakuha ni Rep. Edgard Erice.

Sinabi ni Ed Malay, direktor ng The Center, mas­yadong malaki ang nairehis­trong kalamangan ni Malapitan laban sa katunggali nitong si Erice na matunog na magkakaharap sa pambansang halalan sa Mayo 2022.

Samantala, siniguro ni Malapitan na ipagpapatuloy niya ang progresong itinanim ng kanyang amang si Mayor Oscar “Oca” Malapitan at hindi lamang aniya niya lalong pagbubutihin ang serbisyo kundi dadagdagan pa ang mga programa at proyekto sa Caloocan upang patuloy na umunlad ang kabuhayan ng mamamayan at ekonomiya ng Caloocan City.

Sa ngayon ay popular na rin ang Caloocan City bilang alternatibong lugar na pasyalan para sa mga taong ayaw lumabas ng Metro Manila. Tanyag na rin ang lungsod pagdating sa bilihan ng mga piyesa ng motorsiklo, kotse at ma­ging ng mga trak.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with